Tuesday, May 5, 2020

Papawakas na Prangkisa




          
Isinulat ni Julianne Enriquez Antiola
(Grade 6-Wisdom, TCES, Davao City)
Naipanalong Artikulong Editoryal (Top 5 out of at least 110 national entries) sa National School Press Conference (NSPC) Paligsahan sa Pagsulat Itinakda sa Tuguegarao City, March 11, 2020

Tuguegarao City, Cagayan - Sa kabila ng matagal na panahong sumasahimpapawid ang ABS-CBN, hindi nila namamalayan ang biglang pag-expire ng kanilang prangkisa. Ayon sa batas, sa higit na 6 na dekadang umi-ere ang kompanyang ito, maaaring magwakas ang prangkisa nito. Kinakailangang hindi magwakas ang prangkisa nitong kompanya, ito ay dahil marami ang mga maaapektuhan nito.


Julianne Enriquez Antiola tinanggap ang Top 5 
Awards sa 7 NSPC Awardees na tumanggap
noong March 13, 2020, Tuguegarao City
          Kung talagang magwawakas ang prangkisa ng ABS-CBN, may magiging epekto ito sa ekonomiya ng Pilipinas at iba pa. Dahil sa pag-expire ng kanilang prangkisa, maraming mga televiewers o mga taga-subaybay ang malulungkot at masasamaan ng loob dahil lubos silang nagtitiwala at sumusuporta sa kompanyang ito.

         Isa sa mga naging epekto ng kanilang papawakas na prangkisa sa komunidad ay ang pagkawalan ng pag-asa ng mga mamamayan dahil marami na ang naitulong ng ABS-CBN sa kanila tapos hindi na pala sila magtatagal. Isa sa mga natulungan ng naturang kompanya ay ang mga biktima ng pagputok ng bulkang Taal, lindol sa Mindanao, Bagyong Yolanda at iba pa.

             Ang pagbaba ng bokabularyo ng mga estudyante ay isa sa mga naging epekto ng malapit na pag-expire ng prangkisa ng ABS-CBN sa edukasyon. Ito ay dahil sa ABS-CBN sila kumukuha ng mga makatotohanang paksa na kanilang gagamitin sa pag-aaral.

Team Julianne, Region 11 (Davao)
            Maaari ring bumaba ang success rate ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na naging epekto naman sa ekonomiya ng Pilipinas. Hindi pumayag ang pangulo na magkaroon pa ng franchise renewal ang ABS-CBN dahil sa hindi pagpalabas sa campaign advertisement ni Pangulong Duterte noong 2016. Ito ay naging dahilan kung bakit marami ang tumutol sa desisyon ng pangulo tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN.
          
     Sa kasalukuyan, pina-uubaya ni Pangulong Duterte sa kongreso ang tungkol sa isyu sa prangkisa ng ABS-CBN. Kaya ngayon, nakasalalay na sa kanila ang franchise renewal ng ABS-CBN kung kanila ba itong ipagpatuloy o hindi.
          
Julianne Enriquez Antiola, Author,
Graduated with High Honors
with General Average of 95.19 %
Tugbok Central Elem Sch (TCES)
Tugbok District, Davao City
        Nararapat lang na magpatuloy ang pagsasahimpapawid ng ABS-CBN. Ito ay upang may marami pa silang matulungang mamamayan at ganun din may marami pa silang mapasayang tao.

          Kinakailangang pag-isipan nang mabuti ng kongreso kung kanila bang bibigyan ng pagkakataon na makapag-renew ng kanilang prangkisa ang ABS-CBN. Ito ay upang mabigyan na ng linaw ang tungkol sa isyu na ito at gayun din upang wala nang magpoprotesta tungkol dito.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts